Monday, October 8, 2018

Masyado na ngang malawak ang impluwensya ng internet at social media sa atin. Patunay na dito ang patuloy na pagdami ng makabagong teknolohiya na hindi makakailang nagiging pangunahing luho at pokus ng tao.

Image result for internet

So Ano nga ba ang Internet At Social Media?
  -Ang internet ay mula sa dalawang pinagsamang salita na inter at networking.Na ayon sa FreeDictionary.com ay kilala  rin bilang malawakang daluuyan ng impormasyon (information superhighway) at World Wide Web. Ang internet ay isang sistema ng komunikasyon na gumagamit ng midyum na tinatawag na telekomunikasyon,katulad ng linya ng telepono,satellites at iba pang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable o kung tawagin  ay wireless.
   -Ang social media naman ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag ugnayan ng tao na naglalayong lumikha,magbahagi at makipagpalitan ng impormasyon sa publiko o komunidad.

Image result for social media

Ang mundo ng tao ngayon ay hindi makakaila na umiikot nalang sa internet at social media. Dahil doon hindi maiiwasan ang mga tanong na,"nakakatulong ba ito?o nakakasama?".Marami na ring nagsasabi na puro masama lang ang epekto nito partikular na sa kabataan. Ngayon ay iisa-isahin natin ang mga mabubuti at masasamang epekto nito sa isang tao.

Masamang Epekto ng Internet At Social Media:

  -Ayon sa mga eksperto, nakaka-apekto ang madalas na internet access sa kalusugan ng ating utak. Nagdudulot ito ng “sleep deprivation” o dahilan upang hindi tayo makatulog sa gabi. Sa kabilang banda, nagiging dahilan din ito sa pagkakaroon natin ng maikling pasensya o pokus sa isang bagay.Ayon sa artikel ng Forbes, ang pagbababad sa internet ay nakakapagdulot ng adiksyon.  Nakaka-apekto ito sa iyong personal pakikipagtalastasan o sa iyong relasyon dahil mas maraming oras ang nasasayang ng isang indibidwal sa paggamit ng social media.Ayon din sa ibang artikulo sa internet din nagmumula ang malaking kaso ng bullying na kung tawagin ay "Cyber Bullying". Isa din ito sa nakakaimpluwensya sa karakter ng isang tao. Dahil sa sobrang lawak ng Internet at Social Media narito na nga ang lahat ng impormasyon o kaalaman na kailangan ng tao.Ngunit nandito rin ang mga negatibong kaalaman o impormasyon na nakakaimpluwensiya sa pag iisip ng isang tao.Kung mayroong magandang kapakinabangan ay mayroon din na hindi magandang epekto ito sa mga kabataan at isa na roon ang pagiging matamarin ng mga estudyante dahil mas mapapadali ang kanilang gawain sa eskwela dahil mayroon nang internet, pagbubukas ng mga websites na hindi angkop sa kanilang edad gaya na lamang ng mga pornograpia at scandal at pagkakalulong sa mga online games gaya ng Dota at LOL.

Image result for masamang epekto ng social media at internet Image result for masamang epekto ng social media at internet

Mabubuting Epekto ng Social Media at Internet:

 -Ayon sa eksperto ang Internet at Social Media ay lubos na nakakatulong sa tao. Partikular sa pag aaral ng mga estudyante dahil nasa Internet at Social Media na ang lahat ng impormasyon na kailangan nila at lubos na mas madaling kumuha ng impormasyon dito.Sa Larangan naman ng komunikasyon ay may positibo din naitutulong ang internet gaya na lamang ng pakikipagkomunikasyon sa mga mahal natin sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa, pagkalap ng mga impormasyon tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa loob at labas ng bansa, at ang pagkakaroon ng mga update tungkol sa buhay ng mga mahal natin sa buhay gaya na lamang ng mga masasayang nangyari sa kanila na gusto nilang ibahagi sa iba.

Image result for good effects of technology



















Masaya man o nakakadulot ng aliw ang araw-araw na pag-access sa internet, hindi pa rin maganda na mauubos ang oras mo dito.  Higit sa lahat, mas maigi pa rin ang personal na interaksyon sa kapwa dahil daan ito upang siya ay mas higit mong makilala at makita ang kanyang tunay na emosyon, ugali at kilos.